Alin sa dalawa
ang mali: Very Bad o Colour?
Bading ang
English teacher ko, isalaysay.
Nabangit ko na
din ang aking English teacher na ewan ko kung nakapasa sa Teacher’s Licensure
Examination, sa kanya ko natutunan ang isang mahalagang bagay sa mundo. Wag
laging paniwalaan ang mga kakaibang bagay na sinasabe ng teacher, kung may
pagdududa sa kanyang mga sinasabi, ipag-bigay agad sa kinauukulan. Bata man
tayong sinasaksakan ng mga kung anu-anong bagay tungkol sa pagkamatay ni Rizal
dahil baka tanungin tayo tungkol sa mga girlfriend niya pag-ininterview tayo sa
trabaho, pagcompute ng gravitational pull ng earth dahil baka sakaling
kailanganin pag nahuhulog na tayo mula sa tenth floor ng building, paghahanap
ng hindi mahanap-hanap na X sa geometry problem e kitang-kita mo naman siya
bakit pa kailangang i-solve, pagkakabisado sa Preamble ng Pilipinas dahil baka
paghawak na tayo ng mga abusayaf
magkaroon ng Who want’s to be a
Billionaire?, pagsagot sa angle of Elevation at Depression na pwede daw
gamitin pag sakaling masira ang airplane na sinasakyan natin, ang problema lang
kailangan mong magcompute while airborne at bawal ang hindi scientific
calculator, at iba pang bagay na maa-ari nating gamitin sa life and death
situations. How thoughtful of them. Pero hindi sapat ang puro tanggap, baka
kasi kotongan ka ng employer mo pag nagsabi ka ng Very Bad!
Maaalala mo pa
ba ang Newton’s 2nd Law kapag sasaksakin ka na?
Gawing tama:
Malaki ang tulong ni Impeng Negro sa buhay mo.
Mula sa mga
nabangit kong pagkakataon at hindi marinig na reklamo sa mga gurong nagtuturo,
DepEd at CHED, naniniwala pa din akong lahat ng tinuturo nila ay pasasaan pa ay
kailangan din naming mga pag-asa ng bayan, naming mga future architects, future
engineers, future doctors, future lawyers, future teachers at syempre, ang
pinakadakila sa lahat, future tambays. Naniniwala akong lahat ng nasa
curriculum namin ay kailangan ng sambayanan, kailangan ng mga tambay sa mundong
walang pakundangang inuututan ang mga halaman. Malugod naming niyakap ang mga
aral mula sa libro. Bukas kamay naming hinaplos ang kurba ng daan patungo sa
inaasam na kaalaman at grades na higher than 74. Pikit mata naming inaabot sa
magulang namin ang report card naming namumula. Nagpapakabingi kami
pagsinasabihang gumawa ng assignment kesa manuod ng porn sa youporn, youjizz,
bangbus, redtube at iba pang user-friendly na porn site. Malayo-layo na din ang
itinakbo namin sa mundo, tinakbo mo, tinakbo niya.
Tambay ka ba?
Galit ako sa
tambay, ipaliwanag.
Tanda ko pa nung
high school ako, maugong na talakayan ang “idinidikta
ba ng grades mo ang success level mo in the future?“ Ka-level ng tanong na
yan ang ilan sa mga patok na drama noong unang panahon tulad ng: Gaano ka dalas ang minsan?, Kasalanan bang ibigin
ka? at Itawag mo sakin ay Ligaya.
Wag na lamang pansinin ang huling palabas dahil wala na akong maisip na iba.
Wag kang epal. Dinidikta nga ba ng numero ang kinabukasan mo? Pagmataas ang
grades mo, lapitin ka. Pangit ka man, may putok tulad ng mga jeepney drivers,
may mukhang tinubuan ng isang bansang pimples tulad ng isa kong kaibigan (XD
Siguro tinamaan siya ng meteor ngayon!) at mukhang abstract painting ni Cloud
lapitin ka pa din mapa-babae man o lalaking nagkukunwaring lalaki. Ganito din
kaya pagnasa-labas ka na ng apat na sulok na silid? Ganito pa din kaya pag
nagta-trabaho ka? Napapansin mo bang puro ako tanong?
Aminin, pasan mo
ba ang daigdig? Exception for hunchbacks.
Teacher o
rapist, sinong masmadami sa mundo?
Ang salita daw
ay isang gamit pandigmaan na walang kasing lakas kung sumabog. Talo pa ang
nuclear bomb sa pagsira ng isang tao, isang bayan, isang bansa. Gaano nga ba
kalakas ang epekto ng isang salita sa isang tao? Pagsinabihan ba kita ng tanga, manginginig ka ba sa galit? E
kung pangit? Sabi nga ng aking kaibigan na walang kahiya-hiyang pinamukha sa
akin na pangit ako, truth bites. Yeah I know, nalunon na nga
ako sa sinabe niya. Pero may tama siya. Hindi mo na kailangan ng isang libong
sundalo para sirain ang buhay ng isang tao. Gawan mo lang siya ng issue, wasak
na yan. (tumutugtog nanaman yung favorite soundtrack ng mga manyak. *Careless whisper*) Magkalat ka ng
tsismis na may-putok siya o kaya may something sa tutut niya. Tsismis dito,
tsismis don. Mahirap bang alisin sa sirkulasyon ng dugo natin ang pagkakalat ng
tsismis? Sabi ng aking Filipino teacher habang pinag-aaralan at ginagamay ang
parte ng El Filibusterismo, Noli Mi Tangere at katawan ni Maria Clara ng manyak
na padre, ang ugaling pala-tsismis ay nakuha natin sa mga kastila. Naniniwala
naman ako sa kanya dahil nga teacher siya at sinulat din yon ni Dr. Jose Rizal.
Pero minsan di mo din ako masising mag-doubt, lalo ng nakita ko yung naka-ukit
sa wall ng cave. Nakaukit sa wall ng cave na naka-alibata pa ang “Supot pa si Rajah Humabon.”
May school ba
for professional maniac acts?
Kung wala, handa
ka bang makisyoso sakin para magtayo ng isa?
Ayon sa aking
isang source na hindi ko papangalanan dahil baka kunin mo din, Gossip is the root of socialism, without it
the people will crumble into pieces. Naniniwala ka ba? Ang sabi ng aking
source sa wikang tagalog; Ang tsismis ang ugat ng pakiki-sosyal, kung walang
tsismis ang mga tao ay magiging ice cream sila. Nung tinagalog ko lalo akong
naguluhan kaya napagpasiyahan kong intindihin in English. Naiintindihan ko
naman kahit papaano, ito ang ilan sa mga naiintindihan ko:
1.
Ang gossip
ay mahalaga para maging busy ang mga nanay.
2.
Ang gossip
ay ugat ng pakiki-salamuha sa tao hindi pakiki-sosyal.
3.
Ang pagkawala ng gossip ay maaring magdulot ng pagkakawatak ng tao.
4.
Hindi lahat ng may crumble ay flavor na ng ice cream.
5.
Ang salitang gossip
ay mas-sosyal kesa sa tsismis kaya ito na ang ginamit ko.
6.
Ang gossip
tulad ng gamot at alak ay kailangan in moderation.
Mamatay ka man,
hindi pa ba naiiwan ang titig mo sa boobs ng kaharap mo?
Pagnilagyan ng
sexing babae ang bawat pahina sa Math book, gaganahan kang mag-aral?
Tamang may
inspirasyon ang isang tao. Tamang may pinaghuhugatan ng lakas ang isang taong
nanghihina. Sabi nga ng longest-running-talk-show-and-television-gay-host na
mabait at hindi napapagod sa pagtakbo, manghihina
ka bago ka lumakas. Sa bawat panghihina ay may kaakibat na bigat, ngunit sa
bigat ding yoon makikita ang isang bagay na paghuhugatan mo ng lakas para lalo
pang tumayo at maging malakas. Hindi mo kailangan magtanong kung sino at ano
ang magiging inspirasyon mo, kusang darating yan sa buhay mo, kusang darating
sa utak mo tulad ng pagsulpot ng porn sa mundo. Ang iba jan ang inspirasyon ay
ang kanilang pamilya na lugmok sa kahirapan na gusto nilang iangat sa putik na
kanilang kinasadlakan. Ang iba naman ay ang pamilya ng kanilang minamahal,
gusto nilang magpa-impress. May iba ding inspirasyon ang crush na liligawan
tapos magiging sila, tapos pagnagsawa na sasabihing ayaw na dahil disturbance
sila sa buhay. May mga tao ding pinakakawalan ang taong ginawang inspirasyon
dahil alam nilang hindi mangyayare ang gusto nilang mangyare tulad ng kaibigan
kong pinagpapantasyahan ang model ng Victoria’s Secret. Sana matauhan na siyang
hindi pwedeng abutin ng dila ang esophagus. Walang masama sa inspirasyon kaya
sana suportahan ako ng mga estudyanteng bored mag-aral ng math. I-sulong natin
ang School Code 69 na naglalayong
lagyan lahat ng librong pang-akademiko ng mga inspirasyon, hindi tulad nila
Aristotle, Pythagoras, Newton at iba pang puro ulong picture ng mga sikat na
patay na o pinatay na dahil masyadong matalino. Yung mga inspirasyong habang
nag-babasa ay gaganahan pa lalo at mananabik sa kakaisip kung sino ang nasa next
page. Mga inspirasyon na nakalathala na sa ibang babasahin tulad ng FHM at
Penthouse. Mga inspirasyong taon-taon pinagbobotohan malaman lang ang top100.
Isulong natin ang School Code 69 na
naglalayong ilagay ang whole-body-sexy-nude-picture ng mga babaeng napabibilang
sa top100 sexiest women in the world, Victoria Secret Girls, Playboy Bunnies,
Penthouse ladies, Japan’s best, America’s best at best of the best P stars. Ang
mga inspirasyong ito ay magpapatigas ng ating luob para mag-aral. Magpapa-haba ng
ating pasensya sa pagbabasa. Gigising sa ating natutulog na dugo. At
magpapalabas ng ating tinatagong talino. Pustahan tayo by next month out of
stack na lahat ng book.
Sa tingin mo,
pipirma kaya ang 150 congressman para ipasa ang School Code 69 tulad ng hamon ni Corona sa kanila sa kanilang SALN?
May namimiss
ako, bakit?
Maraming tambay
sa Pilipinas. May mga tambay na hindi na nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay.
Ang iba naman huminto dahil bumagsak sila sa school, nakakuha ng 74 na grade
(isa na lang e! Badtrip). Pero ang pagiging tambay ay hindi dinidikta kung ano
ang ginawa mo habang nag-aaral ka. Hindi dahilan ng teacher mo kung bakit
nangungulangot ka sa iskinita, hindi nila kasalanang hindi ka nag-aral. Hindi
kasalanan ng magulang mo kung tamad ka, pinag-aral ka sinayang mo. Hindi
dahilan ang kahirapan para umunlad, hindi mo kasalanang pinanganak kang mahirap
pero ang mamatay ng dukha ay kasalanan mo. Mahiya ka pre! May mga batang wala
pang sampong taong gulang ang nagbabanat na buto mabuhay lang. Disi-otso ka na,
talo ka pa ng aso. Disi-nwebe ka na, ikaw pa ang promoter ng tsismis. Bente ka
na masprioridad mo pa din ang porn. Bente-uno ka na nakabuntis ka pa, wala ka
pang trabaho, kanino ka titira? Kay mama? Papa? Wag mo na pa-abutin ng
bente-tres, pakamatay ka na. Nakakataba ka lang sa populasyon ng unemployed sa
pinas. Didelehensya ka? Magnanakaw? Mangho-holdap ng mga Taxi driver na
kumakayod bente-kwatro oras may maibigay lang sa pamilya nila? Ganito na lang
ba ang gusto mo? Higa, tulog, gising, kain (optional), sex (mandatory),
kulangot (hobby), higa, tulog? Sa sobrang hectic ng schedule mo wala ka ng oras
maligo, dadagdag ka pa sa air pollution.
Last na ulit,
Tambay ka ba?
Galit ako sa
tambay, patunayan gamit ang pwet.
Gumising ka na.
Gumising na tayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang magulang nan jan, mawawala
sila tulad ng mga taong nakadiskubre ng value ng Pi na three point something.
Tulad ng punong nalalagas, mauubos din ang dahon nila. Hayaan mong maambunan ka
ng dahon nila, gamitin mo. Itago mo. Tulad ng punong nalalagas, maiiwan ang
kahoy. Hayaan mong damhin ang init ng kahoy, hayaan mong dumaloy ang dakta
sayong sarili. Magbago ka, magsimula ka sa sarili mo. Simulan mong itapon ang
tsismis na bad breath si mang kanor kaya walang kissing scenes ang mga video
niya. Burahin mo na yung one-hundred-and-fifty clippings mo ng porn sa cell
phone, mag-iwan ka lang ng lima. Tigilan mo na ang pagmura mo sa teacher mo na
binagsak ka. Tama na ang pagpupunas ng kulangot sa bahay ni kuya, baka
mapatawag ka sa confession room. Magising ka na, magtrabaho ka. Wag ka ng
mang-holdap. Maawa ka sa mga malinis magtrabaho. Wag mong pakainin ng nakaw ang
anak mong walang muwang sa mundo. Tandaan mo na ang isa sa law ni Newton ay Do
not do to others what you don’t want others do unto you. Pero syempre joke lang
yun na kay Newton yan, golden rule yan. Pabayaan mo na muna ang mga politikong
kurakot. Paunlarin mo ang sarili mo. Walang masama maging janitor, basurero nga
nagha-Hi pa sa TV. At kung bata ka pa, walang anak, walang kinahuhumalingang
bisyo, at may pagkakataon pang mag-aral, mag-aral ka. Wag mong ipagpalit ang
halos labing-limang pag-aaral sa isang taong katamaran na magpapatuloy sa buong
buhay mong pagkabigo.
Seriously,
mukha ba akong seryoso?
Naniniwala
ka ba sa mga boka ko?
Wala
naman akong gustong patunayan, wala akong gustong palabasin. Hindi ako
perpekto, hindi din maayos. May mga sarili tayong kagaguhan sa katawan, may mga
sarili tayong kasiraan. Humayo ka at alamin ang mundong nasa likod ng
kalawanging bakod. Diskubrehin ang makakaya at humanap ng sandalang gagawin
mong inspirasyon. Gamiting tungtungan ang kaalaman para maabot ang tagumpay. Maging
masaya para sa sarili at sa iba, tahakin ang tuwid at tamang landas. Ipabagsak
ang batas laban sa porn. Ibasura!
FACT:
Ipinasa sa congresso ang batas laban sa mga taong may porn sa cell phone,
laptop at iba pang gadget na pwedeng paglagyan ng pornographic videos/images.
Pwedeng makulong at pagbayarin ng multa ang mahuhulihan ng mga nasabing
malaswang bagay.
No comments:
Post a Comment