Wednesday, July 4, 2012

Bob Ong Quotes

Mula sa malikhaing isip ng isang pilipinong manunulat; mula sa mga masisipag na daliri't kamay; nabuo ang lupon ng uma-atikabong mga pangungusap na sapol ang karamihan at nagpapasabog ng tao. 

Si Bob Ong ay isang manunulat na minahal na ng sambayanang pilipino dahil sa kanyang pananaw sa buhay pilipino. Siya ay masasabing bihasa sa pag-hihimay ng mga bagay-bagay na gumagalaw at pinapagalaw ng kapwa niya pilipino. Kilala siya sa larangan ng pagiging COOL at SIMPLE pagdating sa pag-susulat. Nag-uumapaw ang kanyang sense of humor at tumatgaktak sa kanya ang pawis ng sining ng pagsusulat.

Ilan sa mga naisulat na niyang mga kataga ay ang mga sumusunod:


===========================================================

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan

“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”

Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi.

“Minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya”

kung gusto mong maging musikero, sige lang. pintor, ayos! inhinyero, the best! kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudyante mo. kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!

“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

“mahirap magmalasakit sa buong mundo habang natitisod ka sa mga nagkalat na pulubi sa sarili mong bansa.”

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya..”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
 “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
 “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.


“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”


“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala


“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

tuparin ang mga pangarap. obligasyon mo yan sa sarili mo.

“hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buhay nila dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa”

ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan– kung puno ka! pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. at sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.

“Mahihina pa ang mga katawan natin ng una tayong pumasok sa eskwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay papasikat palang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito.”

Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao. Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakapagtataka kung bakit marami ang namamatay ng mangmang.

“kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

” ung hndi grades ang sukatan ng pag katao ng isang tao”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na maaari namang wala sa buhay ko“

mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng celfone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.”

“mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili…”
=========================================
=========================================

1 comment:

  1. Iyong iba (halos lahat na yata) ay hindi kay Bob Ong. Salamat po kung aayusin.

    ReplyDelete