Kilala mo ba
ako?
Kilala ba kita?
Ito ang mga
tanong na maaring sagutin ng OO at HINDI, ngunit pag-idinagdag na ang katagang
“TUNAY”, mahirap ng sagutin kung sigaradong OO.
Tunay mo ba
akong kilala?
Tunay ba kitang
kilala?
Madami ka ng
kilala, madami na din akong kilala pero sa mga taong mga kilala natin, friends
sa Facebook, follower sa Twitter, ka-Tumblr, ka-Multiply at ka-Youtube, tunay
ba natin silang kilala? Alam ba natin ang kalagayan nila? Ang birthday nila?
Ang tirahan nila? At kung anu-ano pang bagay na tungkol sa kanila? Sakin? At
sayo?
Friend ba kita
sa Facebook?
Follower ba
kita?
Mahirap na ngang
mabuhay sa mundong iginapos na ng Wifi, Broadband, DSL at sa mga kalunoslunos
na pagkakataon, ng Telephone Wire kung Dial-up pa din ang gamit. Hindi pa
nakuntento sa Abacus at MARK I ang
mga tao kaya’t gumawa pa ng Super-Computer na pinaliit sa Desktop. Hindi pa din
nakuntento ang mga manyak na scientist, reklamo nila ay masyadong malaki para
manuod ng porn at hindi sila makakapanuod kapag nasa labas sila ng bahay kaya
gumawa pa ng masmaliit na computer, Laptop. Mula naman sa nagmamaliit na laptop
ay nabuo ng mga kumpanyang gumagawa ng porn ang notebook dahil masmaliit at masmadaming bibili at magsu-subscribe
sa porn site nila anywhere at anytime. Naging malago na nga ang teknolohiya sa
mundo, umabot na din sa buwan ang apak ng tao, nalasap na ang kalawang sa
Venus, nasaksihan na ang bagyo sa Mars, nakapag-chill sa rings ng Saturn at
pinatalsik na ang Pluto bilang isang planeta na lubhang ikinalungkot ng Neptune
dahil ayaw niya maging last sa listahan. Pero tayong mga 3rd world
country ay walang magawa kundi ngumanga
habang nagdadaan ang amerikanong may hawak na high-tech phone.
May I-Phone ka?
Touch screen ba
cell phone mo?
Dahil na din sa
sobrang paglago ng teknolohiya sa bansa, hindi na din nagpahuli ang mga Cellular Phones. Mula sa di-antenang
cell phone, nag-evolve na tayo sa walang antenang cell phone. Pang-text lang dati
ang cell phone, kung matatandaan ng iba,
na-uso pa ang beeper na bidang-bida sa mga pelikulang 90’s. Tulad sa mga
gumawa ng computer, di maiiwasang ma-ingit ang mga cell phone. Una, nilagyan ng
pantawag tapos nilagyan na din ng CHAT para medjo sosy at hindi sabihing
low-class. Dahil nabagot ang may-ari ng cell phone ng nagda-drive siya, naiisip
niyang lagyan ng radyo ang cell phone para medjo cool, tapos naidagdag pa ang
MP3 player na di kalaunan ay naging MP4 player. Hindi na nagpahuli ang mga babaeng
hinihingian ng picture ng manyak nilang ka-text kaya nailagay na din ang Image
Viewer at Camera sa cell phone. Mula naman sa isang tatay na dating nag-gGym,
dahil daw sa mga manyak naisip ng mga gumagawa ng cell phone ang Video player
at Video recorder na-ilagay sa cell phone. At patunay ang buong showbiz sa
pag-gamit ng Video recorder sa makamundong kalaswaan (Bakit may careless whisper?). At syempre, dahil
nga laganap na ang makamundong kuneksyon, ang gumawa ng computer at cell phone
ay nag-usap para gumawa ng PDA at hand-held assistants. Isinama pa ang Wifi,
umusbong lalo ang maka-mundong kuneksyon at interaksyon ng bawat tao sa iba’t
ibang bansa. Wag kakalimutan ang manyak.
Galit ka ba sa
manyak?
Manyak ka ba?
Pagnawala ang
Facebook, Twitter, Tumblr, Flickr, Youtube, Friendster, Multiply at iba pang
social sites, baka ang tambayan na lang ng mga tao ay Wikipedia at Google na
magpapatalino sa mga tao. Pwede ding tumambay sila sa Yahoo! at Skype para
maghanap ng kapunsan ng sipon at kakamutan ng kati ng katawan. Kundi di naman,
ang masmalala, sa porn sites sila tumambay at buong araw ng walang vacancy sa
mga Motel, Hotel at bahay pahingahan. Pero ang pinaka-malaking epekto ng
pagkawala ng mga social sites na yan ay ang malakihang pagkakawatak-watak ng
pinundar mo sa Farmville at Pet Society. Ang pagkakaroon ng Amnesia dahil di mo
na alam ang toong pangalan ng friend mo sa FB na kapag nakasalubong mo ay
tatawagin mo “King paru-paru” sahalip na Voltae. Pagkawala ng taunang
kalendaryo dahil di mo na alam na birthday pala ngayon ng syota mo. Pagdampot
ng iyakeng babae sa daan na bigla ka na lang susuntukin ng BF niya, sabay
bulong sa sariling “Shit! May-syota na
pala yun? Di na ko updated a!” At ang pinakamalalang epekto ng pagkawala ng
social sites ay ang malawakang riot sa school. Pag wala ng social sites wala ng
battlefield sa babaeng nag-aagawan ng drop-out na syota. Wala ng battlefield sa
mga lalaking nag-papaangasan kung sino ang may masmalaking ulo. Wala ng
battlefield sa mga bading at babaeng nagpapagandahan parehas namang bagsak sa
good manners and right conduct. At wala ng battlefield sa mga komentaristang
lahat ng bagay pinakakailaman bukod sa mukha nilang tadtad ng kulugo. Wala ng
battlefield na pwede silang maging iba, pwede silang maging matapang at pwede
silang mang-apak ng katauhan ng ibang tao na di sila masaksaktan ng physical. In
short, ang social sites ay ginagawang MGM Arena kung saan natalo si Pacquiao
dahil nabugbug niya si Bradley.
So?
SOOOOOO?!
Huminga ka ng
matagal, mag-pause ka. Ang laswa pag mabilis ang pagkakabigkas. Dapat
dahan-dahan lang para hindi dyahe sa bibig at malaswa sa pandinig. Hindi ka
nagkakamali na limang beses lumitaw ang salitang manyak sa sinulat ko. Babalik
ka sa taas para bilangin pero dahil luma na ang trick na to hindi ka na
titingin sa taas. Pero kung nadale ka ng lumang trick na to, malalaman mong
hindi lang limang beses lumabas ang manyak sa papel na ito at tatawa ka kung
mababaw ang kaligayahan mo at magsasabi ng corny
kung wala kang katiting ng kiliti sa katawan. Actually, nagtry ako ng find sa Microsoft Word 2007 at lumabas
na nine words na manyak ang lumabas sa papel na ito.
Last na, Manyak
ka ba?
Tama o Mali:
Pang eleven na ang salitang manyak na ito.
Ayon sa The Great Big Book of Knowledge: with 1500
colour illustration na pinublished noong 2002 na binigay sakin ng kuya ko
ng 2003 dahil birthday ko, ang meaning ng ugly
ay: Cinderella’s sister were not
pretty,they were Ugly Sisters. Ayon na din sa definition na binigay ng
librong ito sakin, pilit kong hinanap si Cinderella para makita ang sisters
niya, ng nakita ko siya sa TV, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon para
makita ang sisters niya. Nakita ko sila. Tinitigan ko sila. Dalawa pala ang
isturang pangit, isang super taba at isang super payat na mahabang baba. Ng mga
panahong yon mataba ako. Kaya ang idinikta ng utak ko, PANGIT AKO. Ganyan dati
ang ginagawa ng mga batang naghahanap ng kasagutan, tumitingin sa libro at TV
sa halip na tumingin sa salamin para makita kung panget o hindi. Dyahe. Yan ang
pagkakaiba ng mga bata noon at ngayon. Noon, tagaktak pawis, tulo laway at
nakakatulog na sa harap ng encyclopedia, text book, comics at Hataw newspaper ang mga bata maka-alam lang ng sagot at
kaligayahan pero ngayon, isang click lang may sagot ka na sa assignment,
copy-paste-print. Pero pag-epal ang teacher at gusto ng hand written wala ng
palag ang bata. Hindi naman lahat ng bata ganon, may mga may kaya lang at
mayayaman. Dahil sa harap ng mayayamang voice command at nagsasabing “Vangie, Where is the nearest CR?” may mga mahihirap pa ding magtatanong
sa janitor kung saan ang kuhaan ng napkin pamunas ng ilong nilang basa. Pahabol
lang, hindi ko kasalanang colour ang
spelling ng color sa book, di ako publisher.
Anong kuneksyon
ng pangit sa manyak?
Naniniwala ka ba
sa mga sinabe ko?
Kung napansin
mo, wala namang koneksyon ung dalawang epal na tanong bago ang per-paragraph di
ba? Tapos, kung masyado ka pa ding matalino, napapansin mo na nililibang na
lang kita at ginagawang sunud-sunuran dahil nagbabasa ka pa din hanggang ngayon
tulad ng iniutos ko sayo. Bilang panghuling salita, ang gusto ko lang talaga
masagot ay yung dalawang pangalawang tanong pagkatapos ng 1st
paragraph with one sentence sa taas. Kung di mo nasundan yung direksyon ko,
congrats parehas tayo! Hindi din ako maalam sa direksyon, nalilito ako sa left
and right at hindi ako bihasa sa compass. Tama na ang mga kalokohang ito at
sagutan na lang ang mga pinasasagutan ko. Kumuha ka ng ballpen at sagutan ang
mga sumusunod:
Tunay mo ba
akong kilala?
Tunay ba kitang
kilala?
Maalala ko lang,
sabi ng macho kong English Teacher: A Faragraf ish consist of sheven sentences
at least. If it’s not, very bad!
FACT: Walang
machong English teacher, madalas bading.
No comments:
Post a Comment